Nagbibigay kami nitong impormasyon sa Filipino/Tagalog upang ipaalam sa iyo ang tungkol sa mga panloloko (scam).

Ang mga sinasabi sa pahinang ito ay makakatulong sa iyo na matuklasan, maiwasan at maisumbong ang mga panloloko. Sa pagsusumbong ng mga panloloko, natutulungan mo ring protektahan laban sa mga panloloko ang ibang mga tao sa komunidad.

Video

Itong video sa Filipino/Tagalog ay nagpapaliwanag ng ilang mga paraan para maprotektahan ng mga tao ang kanilang mga sarili at komunidad laban sa mga kriminal na manloloko at madagdagan ang kaalaman tungkol sa Scamwatch.

Remote video URL

Ang Scamwatch ay pinamumunuan ng National Anti-Scam Centre.
Ipinapakita ng Scamwatch kung paano mo makikita at maiiwasan ang mga scam.
Kung alerto tayo, nasa atin ang kontrol.
Alam natin kung kailan dapat huminto at suriin kung siya nga ang taong sinasabi niya.
Ang mga scammer ay nagiging mas tuso at palaging nagpapalabas ng mga bagong scam.
Ang mga scammer ay magpaparamdam sa iyo na kailangan mong agarang rumesponde o kumilos.
Umaasa sila na sa pamamagitan ng panggigipit sa iyo,
Hindi mo mapapansin ang mga babalang palatandaan ng isang scam.
Kung gayon, ano ang mga babalang palatandaan na ito?
Ang mga ito ay maaaring: Mga pagbabanta o paratang mula sa awtoridad.
Mga pagkakataon upang magkapera.
Mga kuwento o paghingi ng tulong.
Mga pakiusap na buksan ang mga link o mga attachment.
Hihilingan kang magbayad sa pamamagitan ng hindi karaniwan o partikular na mga paraan
o mga direksyon na maglipat ng pera sa isang ‘ligtas na account’.
Ang mga scammer ay madalas magpanggap na mula sa mga organisasyon na kilala mo
o mga indibidwal na pinagkakatiwalaan mo.
Kagaya ng mga tagapagbigay ng serbisyo, pulisya,
iyong bangko, pamahalaan,
o maging ang isang miyembro ng pamilya.
Maaari ka nilang makontak sa pamamagitan ng maraming iba’t ibang paraan.
Tulad ng text/SMS, email, mga tawag sa telepono,
sa website, sa social media
at sa pag-memessage sa online  o apps.
May tatlong simpleng mga hakbang na kailangan mong tandaan upang protektahan ang iyong sarili:
HUMINTO – Huwag magmadaling kumilos.
Tandaan, ang mga scammer ay magpaparamdam ng pagmamadali.
SURIIN – Tanungin ang iyong sarili, maaari bang peke itong mensahe o tawag?
Kilala mo ba talaga kung sino ang iyong kausap?
ISUMBONG –kumilos agad kung may nararamdamang mali,
at tumulong sa iba sa inyong komunidad sa pamamagitan ng pagsumbong ng mga scam sa Scamwatch.gov.au.
Kung naglipat ka ng pera o ibinahagi ang anumang impormasyon sa pananalapi,
agarang makipag-ugnay sa iyong bangko.
Maaaring ma-scam ang kahit sino.
Kung ikaw o sinumang taong kilala mo ay nanakawan ng pera o personal na impormasyon sa isang scam,
hindi ka nag-iisa.
Makipag-usap sa iyong pamilya, mga kaibigan at komunidad tungkol sa mga scam.
At Tandaan na HUMINTO!
Mas mabuting ligtas ka kaysa ma-scam.

Paano Matuklasan at Maiwasan ang Mga Panloloko

Ang lathalaing Paano Matuklasan at Maiwasan Ang Mga Panloloko (How to Spot and Avoid Scams) ay kinikilala sa buong daigdig bilang isang mahalagang kagamitan para malaman ng mga tao at maliliit na negosyo ang tungkol sa mga scam, kabilang ang:

  • mga pinakakaraniwang panloloko na dapat malaman
  • mga iba’t-ibang paraan na ginagamit ng mga manloloko para kontakin ka
  • mga ginagamit nilang kasangkapan para lokohin ka
  • mga senyales na mag-aalerto sa iyo
  • kung paano ang pagprotekta laban sa mga manloloko
  • saan ka makakahingi ng tulong.

I-download ang lathalain sa wikang Filipino/Tagalog (PDF 3.5 MB).