Ang mga “scams” (panggagantso) ay pumupuntirya sa lahat ng tao sa Australya kahit anuman ang pinanggalingan, edad at lebel ng sahod. Lahat ay maaaring mabiktima ng panggagantso, kaya lahat ay kinakailangang matuto tungkol sa pagkilala at pag-iwas sa mga ito. Ang mga nanggagantso ay mandaraya kaya kung hindi kayo marunong mangkilatis nito, madali kayong mabiktima ng panggagantso.

On this page

 

Ang mga panggagantso ay nangyayari dahil para silang tunay at nakukuha ka nila sa panahon ng inyong kahinaan at hindi mo ito inaasahan.  Maaring kasama rito ang mga alok na masyadong napakaganda upang maging totoo, pagtawag na iimpunihin ang inyong kompyuter o pagbabanta na magbayad kayo sa di-inutang, abiso mula sa banko o kompanya ng telepono na may problema sa inyong bangko o imbitasyon na i-friend sila sa “online” (internet).

Ang mga nanggagantso ay ginagamit ang mga bagong teknolohiya, bagong produkto o serbisyo at mga malalaking pangyayari upang makagawa ng mga makapani-paniwalang estorya uoang maengganyo kayo na magbigay ng pera o personal na detalye. Ang mga nanggagantso ay maaaring manggaya na parang mga opisyal ng gobyerno at gumawa ng mga pekeng paghahabol o pagbabanta ng pagmumulta, pagkakaaresto at deportasyon upang matatakot kayo at magbayad. Ang mga nanggagantso ay maaaring makakakuha ng ilang personal na impormasyon mula sa “facebook” o “social media” upang magiging parang lehitimo ang kanilang mga hinihingi.

Ano ang maaari ninyong gawin na pangprotekta sa sarili

Maging alerto at protektahan ang sarili laban sa panggagantso sa pamamagitan ng mga palatandaan na ito:

Maging alerto laban sa mga manggagantso. Kung may tumatawag mula sa tao o negosyo sa telepono man o sa koreo, email, sa personal o sa social networking site (halimbawa: facebook), palaging isipin na ito ay maaaring isang panggagantso.

Kilalanin kung sino ang kinakausap. Kung nakilala mo lamang ang isang tao sa “internet/online” o hindi kayo nakakatiyak na lehitimo ang isang negosyo, suriin ito nang mabuti. Mag-“Google search” o tingnan sa “internet” ang mga taong maaaring nagkaroon ng kaugnayan dito.

Huwag buksan ang mga suspetsadong “text”, “pop-up window” o “email” – burahin sila kaagad. Kung hindi kilala, alamin ang kontak sa pamamagitan ng malayang mapagkukunan ng impormasyon katulad ng libro ng telepono o “online search’. Huwag gamitin ang ibinigay nilang mga detalye ng matatawagan.

Itagong ligtas ang mga personal na detalye. Lagyan ng kandado ang inyong “mailbox” at punitin ang inyong mga resibo at iba pang mga mahalagang dokumento bago ibasura. Itago ang inyong mga “password” at “pin number” sa ligtas na lugar. Mag-ingat sa pagbibigay ng mga personal na impormasyon sa mga “social media”.

Itagong ligtas ang mga gamit sa “mobile” at kompyuter. Laging gumamit ng mga pangprotekta sa “password”, huwag ibahagi sa iba ng “ access” (kahit sa malayo), gawing laging bago ang “security software” at “back up content”. Protektahan ang inyong “WiFi network” sa pamamagitan ng “password” at iwasang gagamit ng mga pampublikong kompyuter o “WiFi hotspots” para sa inyong pagbabangko sa “online” o para magbigay ng  personal na impormasyon.

Piliing mabuti ang inyong “passwords”. Pumili ng mga “password” na mahirap mahulaan ng iba at palaging baguhin ang mga ito. Huwag gumamit ng iisang “password” para sa lahat ng account/profile ninyo at huwag sabihin ang inyong mga “password” sa iba.

Repasuhin ang inyong pagkapribado at mga “security settings” sa “social media”. Kung gumagamit ng “social networking sites”, katulad ng “Facebook”, mag-ingat kung sino ang mga kaugnay at pag-aralan ang paggamit ng mga “privacy” at “security settings” upang tiyak na kayo ay manatiling ligtas.

Mag-ingat sa anumang paghihingi ng inyong detalye o pera. Huwag magpadala ng pera o magbigay ng mga detalye ng inyong “credit card’, “online account” o kopya ng mga personal na dokumento sa sino man na hindi ninyo kakilala o mapagkakatiwalaan.

Mag-ingat kapag namimili sa internet/online. Mag-ingat sa mga alok na parang sobrang napakaganda, at gumamit lamang ang kakilala at mapagkakatiwalaang online shopping service.

Paano malalaman ang isang peke

Mga palatandaan ng isang pekeng dokumento

Madaling mapeke ang mga dokumento. May mga mag-itsurang parang tutoo ngunit may mga iba na may mga palatandaan na ito ay delikado, katulad ng:

  • panglahatan at hindi personal ang mga pagbati
  • may mga pangalan ng mga samahang hindi totoo
  • di-maganda ang imahe
  • di-mahusay ang gramatika at ispeling 
  • masyadong pasikat at mapagkunwary ang salita

Ang mga dokumento katulad ng mga “flight itineraries” at mga ulat ng bangko ay may  simple, di-komplikadong disenyo dahil pinapayagan ang mga negosyong ito na kupyahin ng mga kliyente nila ang mga ulat mula sa “online”. Kaya napakamadaling pekehen ang mga ganitong dokumento.

Mga palatandaan ng pekeng email

Ang mga nanggagantso ay marunong mag-peke sa mga “email” para magmukhang tutoo, gagamit ng kaparehong “logo” at itsura ng “email” na katulad ng tutoong kompanya.

Kadalasang hindi ninyo napaghandaan kung nakakatanggap kayo ng email mula sa  kompanyang dati na ninyong kaugnay, katulad ng Australia Post o isang “online shopping site”. Kung hindi ninyo inaasahan ang email, dapat alamin kung ito ay peke bago pindutin ang anumang mga “link” o “attachment”.

Mga palatandaan ng pekeng “dating profile”

Kung nagkikilatis sa bagong kakilala mula sa “dating agency”, pansinin ang anumang di-pangkaraniwan sa kanilang:

  • litrato
  • lokasyon
  • interes
  • ikumpara ang ginagamit na salita sa kanilang pinanggalingang

Ang mga nanggagantso ay kadalasang gumagamit ng mga pekeng litrato na nakuha sa “internet”.

Tip: Mag-“image search” kayo tungkol sa inyong tagahanga upang malaman kung sila kapareho sa sinasabi nila. Maaari kayong gumamit ng mga serbisyo ng paghahanap ng mga imahe (image search) sa “Google” o “TinEye”.

Saan makapagpatulong

Kung nawalan kayo ng pera sa isang panggagantso o nagbigay kayo ng inyong mga  personal detalye sa isang manggagantso, maaaring hindi na ninyo mapabalik ito. Ngunit may mga paraan na maaaring magamit kaagad upang malimitahan ang pagkapinsala at maprotektahan kayo sa patuloy na kapahamakan.

Tawagan ang inyong bangko o “credit union”

Kung nagbigay kayo ng pera o personal na impormasyon sa pagbabangko, tawagan kaagad ang inyong bangko o “credit union”. Baka maaari silang ihinto ang pagpapalit ng pera o tseke, o sarhan ang inyong “account” kung nakuha ng manggagantso ang inyong detalye sa pagbabangko.

Kung hindi kayo tiyak kung kayo ay niluluko, huwag ituloy ang pagbibigay ng pera. Ang mga nanggagantso ay patuloy na hihingi ng pera hanggang kayo ay huminto.

Pabalikin ang inyong nawalang pagkilanlan

Kung may suspetsa na kayo ay nabiktima ng pagnanakaw ng pagkakilanlan, mahalagang kumilos kaagad upang mabawasan ang maaaring pagkawala ng pera o iba pang pagkapinsala.

Maaari kayong:

tumawag sa iDcare – isang walang-bayad na serbisyong pinundohan ng gobyerno upang makatulong sa paggumawa ng natatanging planong pansagot sa inyong sitwasyon at suportahan kayo sa pagtutupad nito. Bumisita sa iDcare website o tumawag sa 1300 IDCARE (432273)

mag-aplay para sa isang Commonwealth Victims' Certificate – isang dokumento na makatulong sa inyong paghahabol bilang biktima ng pagnanakaw sa pagkakilanlan, at maaaring magamit sa pagpapagawa ulit ng mga pagkakakilanlan sa mga institusyon ng gobyerno at pinansyal. Bumisita sa “Victims of Commonwealth identity crime”.

Isumbong ang panggagantso sa mga otoridad

Dahil sa pag-uulat sa nararapat na ahensiya, nakakatulong kayong mai-bulgar ang mga nanggagantso at mabigyang babala ang mga tao tungkol sa panggagantso.

Uri ng pangyayari Ahensiya

Pagbabangko

Ang inyong bangko o bahay pinansiyal
Krimen sa Internet (Cybercrime) Australian Cybercrime Online Reporting Network
Panggagantso sa pinansiyal at pamumuhunan Australian Securities and Investments Commission
Pandaraya at pangungutang

Para sa inyong lokal na polisya – tumawag sa 131 444

Sa Victoria, tawagan ang himpilan ng lokal na pulisya

Pekeng mensahe (spam) Australian Communications and Media Authority
Panggagantso tungkol sa buwis Australian Taxation Office
Iba pang mga gawaing panluluko Ang ACCC sa pamamagitan ng Scamwatch

Magbabala sa iba tungkol sa panggagantso

Kung ang manggagantso ay kumontak sa inyo sa pamamagitan ng website, social media, email o telepono, tawagan ang nararapat na kompanya at iulat ang detalye ng nanggagantso. Makakatulong ang inyong pag-uulat upang pigilin nila ang mga panggagantso.

Dapat din kayong magbabala sa inyong mga kaibigan at kapamilya. Kung kayo ay isang maliit na negosyo, ibalita ang tungkol sa panggagantso sa inyong samahan sa industriya o iba pang mga kakilala sa negosyo.

Palitan ang inyong “online passwords”

Kung inaakala ninyong na-“hacked” ang inyong kompyuter, gumawa ng buong pagsisiyasat ang kumpyuter sa pamamagamitan ng mapagkakatiwalaang “virus checker”. Pagkatapos nito, dapat ninyong palitan ang lahat ng inyong mga “online passwords” na ginamit sa kompyuter na ito.

Kung inaakala ninyo na ang inyong “online accounts” (halimbawa: sa bangko, “email”, “online shopping” o “social media”) ay maaaring nakompromiso, palitan kaagad ang inyong “password”.

Tawagan ang inyong lokal na “consumer protection agency”

Habang ang ACCC ay ang pambansang ahensiya na responsable sa pangkalahatang proteksyon ng mga namimili, ang mga ahensiya ng estado at teritoryo ay maaaring makakatulong sa inyo.

Tawagan ang serbisyo ng pagpapayo o suporta

Kung kayo o isang kakilala ay nabiktima ng panggagantso, kausapin ang inyong GP, propesyonal sa kalusugan o taong mapagkakatiwalaan. Dapat din ninyong tawagan ang isa sa mga serbisyo ng pagpapayo o pansuporta.

Kung kinakailangan ng suporta sa panahon ng kagipitan, tawagan ang Lifeline sa 13 11 14 (laging bukas 24/7) o bumisita sa www.lifeline.org.au

Para sa impormasyon tungkol sa depresyon o pagkabalisa, tawagan ang beyondblue sa 1300 22 4636 o bumisita sa www.beyondblue.org.au

Walang-bayad na propesyonal na pagpapayo sa telepono at sa “internet” para sa mga naapektuhan ng pagpapatiwakal. Suicide Call Back Service: 1300 659 467

Serbisyo sa pagpapayo sa telepono at “internet” at pansuporta para sa mga kabataang nasa edad 5 hanggang 25 taong gulang. Kids Helpline: 1800 55 1800

Serbisyong pansuporta sa telepono at “internet”, impormasyon at rekomendasyon para sa mga kalalakihang may problema sa pamilya at relasyon. MensLine Australia: 1300 78 99 78

Dagdag na impormasyon

Maaari kayong mag-ulat sa website ng Scamwatch: www.scamwatch.gov.au/report-a-scam

Sumuskribi sa libreng serbisyo ng Scamwatch radar: www.scamwatch.gov.au/news/subscribe-to-newsletter

Sundin ang @Scamwatch_gov sa Twitter upang makatanggap ng mga abiso tungkol sa mga nagaganap na panggagantso sa komunidad

Is this page useful?